MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Iniusog sa ikalawang Lunes ng Mayo 2018 ang halalan na dapat sana ay gagawin ngayong Oktubre 23.
Nitong kamakalawa pa nilagdaan ni Duterte Republic Act 10952 ngunit ngayong lamang inilabas ng Palasyo ang kopya ng batas sa publiko.
Dahil dito, mananatili sa kani-kanilang mga pwesto ang nakaupong opisyal ng barangay at SK hanggang matapos ang halalan.
Ikinatuwa naman ng Commission on Elections ang desisyon ng pangulo na ipagpaliban ang eleksyon.
“The Commission en Banc will be issuing the necessary Resolutions to effectuate this new law. In the meantime, we advise all deputized agencies and election partners to immediately begin ramping down their election related activities and await more detailed instructions and guidelines from the Commission on how to move forward,” pahayag ni Comelec Chairperson Andres Bautista.
Nais ni Duterte na ipagpaliban ang eleksyon dahil 40 percent umano ng mga barangay officials ang sangkot sa ilegal na droga.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na ipinagpaliban ang barangay at SK polls.
Tuesday, October 3, 2017
Popular Posts
- Grace Poe denies treating bloggers with 'kid gloves' in Senate probe
- Lebanese actress shocks fans after revealing she was ‘almost raped’
- French student allegedly caught with drugs and cash in AirBNB
- Faeldon asks DOJ to dismiss raps over P6.4-B shabu shipment for lack of jurisdiction
- Nearly all of the 58 victims of Las Vegas massacre identified: Here are some of their stories
0 comments:
Post a Comment