Manila, Philippines – Hindi papayagan ni Senate Majority Leader Tito Sotto na magtagumpay ang opposition senators na alisan ng pondo ang oplan tokhang ng Philippine National Police.
Tugon ito ni Senator Sotto sa pahayag ni Senator Bam Aquino na harangin ang P900 milyon proposed budget para sa Oplan Tokhang.
Hindi kumbinsido si Senator Sotto sa iniaangal ng mga kritiko ng administrasyong Duterte na hindi epektibo ang war on drugs.
Giit ni Sotto, successful ang kampanya laban sa ilegal na droga ng gobyerno kumpara sa mga nakaraang administrasyon na ayaw man lang itong hipuin kahit pa ito ang totoong problema sa bawat lansangan sa bansa.
Nilinaw naman ni Sotto na bukas ang kahit sinong senador na maghain ng kaniyang pagtutol sa ilalaang budget para sa Tokhang at kakailanganing idaan sa botohan kung hindi nila ito mapagkakasunduan.
Friday, October 6, 2017
Popular Posts
- Grace Poe denies treating bloggers with 'kid gloves' in Senate probe
- Lebanese actress shocks fans after revealing she was ‘almost raped’
- French student allegedly caught with drugs and cash in AirBNB
- Faeldon asks DOJ to dismiss raps over P6.4-B shabu shipment for lack of jurisdiction
- Nearly all of the 58 victims of Las Vegas massacre identified: Here are some of their stories
0 comments:
Post a Comment