Tuesday, October 3, 2017

Shipment ng election forms, uumpisahan na

Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) bukas ang shipment ng mga gagamiting non-accountable election form para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 23, 2017.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kasama ito sa mga napag-usapan sa pulong ng Co­melec En Banc kahapon, alinsunod na rin sa inilatag na calendar of activities ng poll body para sa nalalapit na halalang pang-barangay.

Samantala, sinabi ni Jimenez na sa Oktubre 11 ay sisimulan na ang pagpapadala ng mga official ballot sa iba’t ibang lalawigan sa Visayas at Luzon.

Aniya, sa ngayon ay nakatutok ang Comelec sa paghahanda sa nalalapit na botohan dahil hindi pa naman nalalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang ipinasa ng Kongreso na nagpapaliban sa Barangay at SK Elections sa susunod na taon.

“(We) will get a shipping priority list to make sure the report is accurate. Metro Manila will be among the last to receive deliveries,” paliwanag ni Jimenez.

Sakali namang nagin­g ganap nang batas ang panukalang nagpapaliban sa nasabing eleksyon, tinukoy ni Jimenez na ang mga nai-deliver nang mga balota ay posibleng manatili sa municipal treasurer.

“Ballots already shipped will likely remai­n with the municipa­l treasurer­. ­However, the en banc may prescribe a differen­t mode of safekeeping­, should the need arise. Ballots in transit will be allowed to continu­e to their destination,” dagdag­ ni Jimenez.
Share:

Related Posts:

0 comments: